Chapter Rules


Chapter Rules (Tagalog)

ALITUNTUNIN III - GABAY SA CHAPTER GROUPS

Ang pamunuan ng GSMSandwich Forum ay kinikilala at pinahahalagahan ang pagkakaibigan, tiwala at pagkakaisa ng mga kasapi nito. Dahil dito, ang Chapter Groupings ay itinatag para sa layuning ito at bigyang diin ang kahalagahan nito. Tanging ang Chapter Group lamang ang kinikilala ng pamunuan ng GSMSandwich at lahat ng focus at programa ng pagbibigay karagdagang benepisyo at pribilehiyo ay ukol lamang sa kasapi ng grupong ito.


SEKSYON 1 - LAYUNIN NG CHAPTER

3.1.1. Ang pangunahing layunin ay magtatag ng pagkakaibigan, pagtitiwala at pagkakaisa ng bawat kasapi ng GSMSandwich Forum.

Dahil dito,, ang Chapter groups ay;

  • Suportahan ang alituntunin, programa, at mga gawain ng GSMSandwich Forum.
  • Bumuo ng mga gawain na maglalapit sa bawat kasapi ng Forum
  • Alamin at suriin ang bawat kasapi sa likod ng kanyang username
  • Magbuo ng kasanayan sa pumumuno sa kanyang kasapi ng kanyang chapter.
  • Magplano at sumubok ng ibang gawain na naglalayong makatulong maisakatuparan ang layunin ng GSMSandwich Chapters.


SEKSYON 2 - PAGBUO NG CHAPTER

Upang maging epektibo sa pag-organisa ng bawat kasapi ng forum, Iminumungkahi sa bawat kasapi na pormal na bumuo ng chapter sa kanilang lugar upang magkaroon ng isang lihitimong talaan ng bawat kasapi ng forum na ito.

3.2.1. Gumawa ng Chapter Request Thread sa Chapter Request Section ng Forum na may at least twenty (20) rehistradong miembro ng Forum.

3.2.2. Magpakita ng katibayan ng inyong pagpupulong bago ang naturang Chapter Request. Kumuha ng larawan ng naturang pagpupulong na may solong kuha ng bawat miembro. Ang pangalang "GSMSandwich Forum" ay kinakailangang naka-display sa isang lugar na kitang-kita at kapansinpansin kasama ng inyong mga larawan.

3.2.3. Sa mga nagsidalo, kailangang may nominado kayong tatlo mula sa inyong grupo bilang kandidato para sa posisyon ng Chapter Leader. Mula sa tatlong kandidato, ang pamunuan ng GSMSandwich Forum ay mamimili at magpapasya kung sino ang magiging Chapter Leader. Siguraduhin na ang bawat kandidato na inyong ino-nominate ay pumapayag, may kakayahan at committed na maging Chapter Leader ninyo. Kapag may umayaw sa isa sa inyong kandidato, ito ay maaaring maging dahilan upang hindi ma-approve ang inyong Chapter Request.


SEKSYON 3 - PAGPAPA-MYEMBRO SA CHAPTER

Ang pagtanggap sa sinumang nais maging miembro ng chapter ay nagangailangang makipagkita ng personal sa ChapterLeader, o kaya ay dumalo sa pangkalahatang pagpupulong na idinaraos ng isang chapter. Narito ang pamamaraan na itinakda sa pagpapa-miembro.

3.3.1. Makipag-ugnayan ng personal sa Chapter Leader.

3.3.2. Ang Chapter Leader, Chapter Officer ay magco-conduct ng interview at mga katanungan kung saan duon nakasalalay kung ang isang aplikante at matatanggap o hindi. Kung ang aplikante ay hindi nasiyahan sa resulta ng nasabing interview, iminumungkahi na siya ay makipag-ugnayan sa Admin ng Forum.

3.3.3.Kapag naaprubahan ang isang aplikante, Sila, kasama ang CL, CO ang magpapalitrato at magsusumite ng mga sumusunod na impormasyon ng aplikante:

  • Larawan ng APPLIKANTE kasama ang CL o CO:
  • Username
  • Tunay na pangalan
  • Lugar ng Tirahan
  • Pangalan ng Shop
  • Lugar ng Shop
  • katungkulan
  • Numero o Kontak
  • E-mail Address


SEKSYON 4 - GABAY PARA SA CHAPTERS

3.4.1. Ang bawat Chapter ay dapat ay magkaroon ng meeting o eyeball ng tatlong (3) beses sa isang taon.

  • GEB Events. Ito ang magsisilbing general convention ng bawat region na nasasakupan ng isang Super Chapter Leader. Ang bawat nasasakupang chapters ay compulsaring magpadala ng kinatawang higit sa sampung myembro. Ito rin ang magsisilbing Recount EB ng isang Host Region. Ang event na ito ay hindi maaring mag downgrade para sa malalayong chapters alinsunod sa makatarungan at pagsaalang-alang ng layo at badget ng bawat isa. Pinahihintulutan din na gamitin ang Gsmsandwich Anniversary GEB para sa kanilang chapter anniversary, summer EB, at iba pang okasyon lalo na sa NCR Region. Ang NCR Region ay automatic na maging recount ang GEB o Anniversary ng GSMSandwich. Ang malalayong Chapter ay pinapayagan lamang na magkaroon ng recount sa GEB kung may pahintulot ng Super Chapter Leader at Admin.
  • CHAPTER RECOUNT. Ito ang itinakdang araw upang suriin ang kalagayan ng Chapter member kung ito ba ay active o hindi na. Dito rin pinag-uusapan ang mga plano at adhikain ng isang Chapter kaalinsabay ang mga patakaran at regulasyon na nagpapatibay ng samahan at pagkakakilanlan sa bawat isa at pagbibigay ng award o karangalan sa mga natatanging myembro.
  • CHAPTER CHARITY. Ito ang itinakdang araw ng pagbibigay pasasalamat sa isang komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng anuman makakatulong na material/goods o isang feeding o Free services program. Ang lahat ng myembro ay obligadong magbigay ng funds maliit man o malaki.

3.4.2. Ang organisasyon at isang Asosasyon ay hindi pinapayagan ng ating samahan para maging makakatotohanan ,ang natatag lamang na GSM SANDWICH ang pina hihintulutang mag sagawa ng nasabing grupo.Hindi rin pina hihintulutan ang magkaron ng bayad ang bawat miembro o anumang usapin pag dating sa usapang salapi.

Kaparusahan: Masususpende ang naturang Chapter Leader at Officers

3.4.3. Ang pag sasagawa ng isang I.D o pag kaka kilalan ng bawat isa ay hindi pinahihintulutan ng ating samahan ,para ma protektahan sa anumang kaguluhan ang bawat miembro ng samahan.

Kaparusahan: Suspendido ang Chapter Leader at Officers

3.4.4. Mahigpit na pinag babawal ang mang hingi ng anumang donasyon na hihigit pa sa dalawang daan piso at dapat ito ay kusang loob na binigay ng isang miembro .Para ito ay hindi magkaron ng anumang alitan o usapin ng bawat miembro.

3.4.5. Ang anumang pag hingi o pag tulong sa miembro na nasalanta ng anumang kalamidad o aksidente ,ito ay dapat na malaman ng mataas na pinuno ng grupo katulad ng Pinuno ng Grupo at dapat meron kasamang proweba na ito ang mag papatunay na makakatotohanan ang kanyang ididulot na problema .Ito ay para lamang sa miembro ng grupo at hindi sa kaanak ng biktima

Kaparusahan: Burahin ang nasabing Panawagan

3.4.6. Ang Chapter Funds (pondo) ay hindi pinapayagan. Bago ang anumang activities/EB, isang detalyadong ulat hinggil dito ang kinakailangan munang imingkahi at i-post bago ito isakatuparan. Matapos ang naturang gawain, isang datalyadong ulat-pinansiyal ang kailangang i-post upang ito ay ma-audit at ma-verified.

Kaparusahan: Pag-alis Ng Thread.

3.4.7. T-shirts, C.O.C. at ibang mga dukomenta na may kinalalaman sa chapter ay kailangan munang ihingi ng pahintulot mula sa Chapter Officer, Chapter Leader, SCL, o Team Leader.

Kaparusahan: Pag-alis Ng Thread.

3.4.8. Ang Sponsors sa alinmang Eye Balls ay mahigpit na ipinagbabawal. Ito ay upang mapigilan ang hindi tamang paggamit ng ilang politiko at reseller ng gadgets sa Chapter. Subalit kung ang layunin ng naturang sponsor ay para sa serbisyo-publiko, ito ay maaaring pahintulutan.

Kaparusahan: Pagsuspindi sa Chapter Leader at Officers.

3.4.9. Ang pagpapa-myembro ng higit sa isang Chater ay hindi pinahihintulutan. Ang mga Technicians na may higit sa isang lugar ng pinagtratrabahuan ay kailangang pumili ng isa kung saan siya madalas manatili.

Kaparusahan: Member Downgrade.

3.4.10. Huwag nang bumuo ng isang chapter kung saan mayroon ng chapter. Ito ay upang maiwasan ang di pagkakasundo sundo ng mga myembro sa iisang lugar.

3.4.11. Anumang thread, posts, replies na may masamang motibo, personal na interest o nagpapabayad sa anumang serbisyo o bagay ay hindi pinapahintulatang i-post sa chapter section. Lahat ng post na katulad nito ay aalisin ng walang pasintabi.

Kaparusahan: Infraction Point(s): Major Offense + Pagbura ora-mismo ng Post

3.4.12 Maaaring lumipat ng Chapter Membership ang isang myembro kung nagbago ang lugar ng pinagtratrabahuan. Ipagbigay alam ang naturang paglipat ng lugar sa dating Chapter Leader upang mabigyan ng rekomendasyon sa bagong lilipatan na Chapter.

3.4.13. Aalisin ng dating Chapter Leader mula sa kanyang official lists ang naturang myembro na lumipat ng ibang chapter at ang bagong chapter leader ay makikipag-ugnayan sa dating chapter leader para sa tinatawag na rekomendasyon para sa paglipat at pagtanggap ng naturang myembro.


SEKSYON 5 - PAMUNUAN NG CHAPTER

Ang Super Chapter Leader (SCL) , Chapter Leader CL) at Chapter Officer (CO) ay maaring matanggal sa kanyang posisyon o tungkulin kung ito mapapatunayan na kasangkot sa katiwalian, paglabag sa patakaran at alituntunin at pagtataksil sa GSMSandwich o pagkawala ng tiwala at kumpiyansa ng Forum Leaders ng GSMSandwich forum.

Ang mga miyembro ng Chapter ay maaaring magreklamo upang matanggal sa pagka Super Chapter Leader (SCL), pagka Chapter Leader (CL) o pagka Chapter Officer (CO) sa pamamagitan ng pagpapadala ng isang nakasulat na reklamo at lagda kay Admin tabuki. Siya ay mag-order ng pagsisiyasat ng mga reklamong sinabi para sa katotohanan at katapatan. Kung na-verify ang nagrereklamo ay dapat mangalap ng mga lagda ng mga miyembro ng mayorya ng mga chapter na kasangkot. Sa pagsusumite ng kinakailangang dokumento at evidences, ang Forum Leaders ang magpapasya sa pamamagitan ng karamihan boto kung ang inakusahan Chapter Leader na ito ay aalisin.

3.5.1. Super Chapter Leader (SCL)

  • Ang Super Chapter Leader (SCL) ang mangangasiwa , aalalay , mamumuno sa mga programa , mga patakaran at mga aktibidad na inilatag na patakaran ng GSMSandwich Forum.
  • Ang SCL o Team leader ay dapat magkaroon agad ng botohan mula sa miyembro ng kanyang chapter , kapag ang kanyang isang opisyal ay nag bitaw sa kanyang tungkulin.

3.5.2. Chapter Leader (CL)

  • Ang Chapter Leader ang magpapatupad ng mga patakaran , mga gawain at mga programa
  • na itinalaga ng kanyang Super Chapter Leader.
  • Ang chapter leader ang may kapangyarihan na piliin ang kanyang mga Opisyal na tauhan upang makatulong at makapagpatupad ng mga patakaran sa chapter.
  • Ang chapter leader ay responsibilidad niya ang pagpapatupad ng mga layunin ng kanyang chapter, upang panatilihin ang katatagan, regulasyon, pagsunod sa mga patakaran at pagpapaunlad ng kanyang chapter.
  • Ang chapter leader ang hihingi ng clearance ( request ) mula sa Admin upang maging isang Super VIP ang kanyang myembro.
  • Ang Chapter Leader ay magkakararoon ng isang taunang pagsusuri kung nagampanan ng mabuti ang kanyang tungkulin o napapatupad ng maayos ang mga patakaran sa bawat miyembro.
  • Ang termino ng isang chapter leader ay naka depende sa mga resulta o pasya ng mga Forum leaders
  • at magkakaroon ng botohan sa pamamagitan ng kanyang mga miyembro na nasasakupan .

( Ang taunang pagsusuri ay sa Petsa na Enero 12 hanggan 15 )

3.5.3. Chapter Officer (CO)

  • Ang Chapter Officer (CO) ay tumtutulong sa kanyang Chapter Leader na magpatupad ng mga patakaran,
  • regulasyon, at mga gawain ng bawat miyembro.
  • Ang Chapter Officers at Chapter Leader ay dapat magkasangga o magkasundo sa lahat ng bagay.
  • Ang Chapter Officers ang siyang makakatulong sa kanyang Chapter leader na magpatupad ng tungkulin at magbibigay ng pangangailangan ng bawat myembro.
  • Ang chapter Officers ay maaring mag-aanyaya sa kanyang mga miyembro na magkaroon ng isang aktibidad gaya ng Eyeballs (EB) upang magkaroon ng ulat , tamang asal , etcs. at pag abruba ng aplikasyon ng bawat miyembro.
  • Ang isang isang aktibidad gaya ng eyeballs ay mayroong limitado , kailangan munang paabruhan sa Chapter Leader.
  • Ang Chapter Officer ay Co-termino ng Chapter Leader. Kapag bumaba o natanggal ang C.L. kasama rin ang mga C.O. nito sa maalis, ngunit, maaring palawigin ang Chapter Officers kung kinakailangan para sa kapakanan ng Chapter.

Ang Patakaran na ito ay maaring mabago anuman oras ng walang kaukulang anunsyo.

Higit sa lahat, kapakanan ng Forum ang una bago ang sinuman myembro.


All rights reserved for the Site Owner Admin waps.


Forum Rules Author:
eyestra!n
datu
tabuki
RaffyDoodle
aLan
waps
japormz
professor linux
upp22edz
EggZhell

Translator:
professor linux
upp22edz

Master Editor:
aLan
RaffyDoodle

Researcher and feedback collector:
tabuki


Thanks to all contributor and the rest of the forum rules committee

Top